Archive for February, 2008

Mga ilan sa libro ni Bob Ong

Monday, February 25th, 2008

Among the five books ni Bob Ong, dalawa pa lang doon ang nabasa ko na buo from cover to cover. Ang mga iyon ay "ABNKKBSNPLAKo?!" tsaka ang "Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?". Nang una, akala ko patawa lang siya, pero nang mabasa ko iyon, nalaman ko na may gusto pala iparating si Mr Roberto "Bob" Ong sa kanyang isinulat. Kaya nakakatuwa ang mga libro niya kasi bukod pa sa nakakatawa siya e maganda din ang mensahe na ipinaparating niya sa atin sa kanyang mga nai-akda.

Ang ABNKKBSNPLAKo?! (Mga kwentong chalk ni Bob Ong) ay isang libro na tumatalakay sa lahat ng pasikot-sikot tungkol sa edukasyon, sa eskwelahan at maging sa mga estudyante at guro mula Pre-School hanggang sa Kolehiyo dito sa bansa. Makikita mo doon na ikinukwento niya ang kanyang masasaya, masalimuot, nakakatawa at maging weirdo nyang pakikipagsapalaran bilang estudyante nang siya’y nag-aaral pa. Honestly speaking, nklgay din dun ang lahat ng mga kalokohan ng mga estudyante sa eskwelahan. Kung ano-ano yun, basahin nyu na lang yung libro para maniwala kayo saken. Halo-halo ang tono ng aklat na to. At sa pahina na makikita nyo bago sa unang pahina ng katawan ng aklat, natawa na talaga ako nang makita ko ang kakaibang quotation na nakalagay na di mo lam kung nagpapatawa lang o loko-loko talaga yung awtor na si Mark Twain nang sinabi nya ang linyang ito:

"I will never let my schooling interfere with my education."

Grabe di ko lam kung bat nya sinabi yun. Nawindang talaga ako sa kanya kasi ang gulo nya, schooling n nga, education pa.San ka pa?!

Ang "Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?" naman ay isang libro na kung san dun malalaman ang lahat ng baho at pangit tungkol sa ating mga Pilipino kung babasahin nyo ang kabuuan nito. Dito, tignan nyo pa lang ang libro kahit di nyo p buksan ay talagang matatawa na kayo lalo na pagbukas nyo nito. Kung bakit?Secret, bili n lang kayo o d kaya manghiram kayo ng libro nun para malaman nyo hehehe. Kaya nga nagustuhan ko yung libro n yun kasi napakacreative ng pagkagawa ng libro at may originality din ang pagkagawa nya na wala sa kahit anung libro (Just see it). Ipinaparating naman ni Bob Ong sa libro nyang to na tayong mga Pilipino ay kulang sa disiplina sa sarili kaya di tayo umuunlad. Naniniwala ako dun sa sinabi nyang yun kasi totoo nga at bakit ako magagalit. Sbhin nting di maganda ang tingin sa ating mga Pilipino, e kung iba nga napupuna natin, yun pa kaya ang ating sarili. Nkuha nyo ba? Kaya nga lahat ng tungkol sa ating mga Pilipino ay nakasulat dito.

Kung tinatamad kayo magbasa ng libro, edi itype nyo nalang sa computer nyo kung may internet ah, ang site na to,: www.bobongpinoy.com. Iyan ang site ni Bob Ong, ang webmaster nyan. Dun din nanggaling ang mga laman ng mga libro nya e. Tagalog naman yun e kaya madali natin syang maitindihan. Kaya lang naman isinalibro iyon kasi para sumikat ang mga nilalaman ng site na yun at makilala ng marmaing Pilipino. Kasi nga naman diba, iilan lang mga Pinoy ang updated sa mga ibang sites lalo na pag di gaano kilala.

Ang ibang books nya ay ito:

  • Mga Paboritong Libro ni Hudas
  • Ang Alamat ng Gubat
  • Stainless Longganisa
  • MacArthur

Di nga lang ako sigurado kung yan lang ah. Pero yan ang mga ibang buks nya na alam ko, at gusto ko ring basahin yang mga yan.

That’s all. Thanks 4 reading this considerably and you drop some comments for me. Thanks again!!!!!!

:-)

What if kung itinuloy ko ang BS Accountancy ko?

Sunday, February 10th, 2008

I admit that may mga naging plano na rin ako in my future nang time na hindi ko pa napag-isipang magshift. BSA kasi ang unang kursong kinuha ko. Kaya iyon ang kinuha ko kasi sabi ng mama ko in-demand daw ang mga CPA sa States. E diba matataas ang mga tingin sa CPA? So siyempre sayang naman kung di ko iaaim iyong opportunity na maging accountant, particularly CPA (Certified Public Accountant) diba? Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit sinunod ko ang gusto ng mama ko. E sa pag-aakala ko na magiging masaya din ako sa kursong to kaya eto kinuha ko on the first place. Ang pagkakaalam ko rin, Accounting is the best background for Law. Tapos sabi saken ng isa kong batchmate na CPA ang mama niya, pag graduate daw ng BS Accountancy tapos nag-Masteral pa, 2 yrs na lang daw kukunin ang Law. Kaya na-predict ko na rin na BSA is the best Pre-Law undergaduate course.

Sbi nga saken ng classmate ko ng BSA pa kurso ko na mukhang may balak daw akong mag-Lawmaker dhil iyon daw ang kurso ko. Kunsabagay may mga Law at Law-related subjects kasi sa curriculum ng BSA e. Mas maganda daw sa CPA na Lawyer din at vice-versa. Pagkarinig ko din, pag-aagawan ka daw ng kumpanya pag nalamang BSA graduate k at Board passer. Kung sa bagay, sobrang hirap kasi makapasa doon e, lalo na quota-based pa. Marami rin akong kilalang matatalino tapos graduate sila sa PUP, PSBA ng BSA, tapos hindi pa rin sila nakapasa sa Board tpos iyong isa nakailang take na, tapos iyong isa naman UPCAT passer pa, e sobrang hirap din makapasa doon. Kaya nga hindi porket na di pumasa doon e hindi na matalino, talagang sobrang hirap daw ng Board Exam. Sabi, iyon daw ang pinakamahirap na Board Exam sa lahat. Minsan nga wla pa daw sa 20% ang nakakapasa doon. Sabi naman sakin ng isang naging prof ko sa Accounting1A sa lab na 16th placer sa CPA Board Exam, wla pa daw sa 10% ang mga nakapasa ng time nila.

May narinig din ako na mag-BA PolSci daw muna bgo mag-Law pagkatapos magBSA. Sbi naman ng isa ko pang frend, lhat ng mga Bachelor of Arts degrees ay mga Pre-Law undergraduate degree courses. Pero sabi naman sakin ng isa kong Prof sa AMA na taga-UP, sa UP College of Law, it doesn’t matter kung B, BS o BA ang tinapos mong undergraduate course, bsta as long na degree holder ka, pwede kang mag-Law. Kuwento pa niya, may kakilala siya mga Eng’g undergraduate, kumukuha na ng Law sa UP tapos iyong isa naman, BS Molecular Biology and Biotechnology naman daw ang tinapos sa UPD, tapos na rin daw ng Law doon. Dagdag pa niya, hindi rin madaling ma-admit sa UP Law kasi kailangan makapasa muna sa LAE (Law Exam) tapos noon makapasa rin sa Interview bago maging UP Law Student.

Iyon sana ang mga plano ko kung naging masaya lang sana ako sa unang kinuha kong kurso, na pagka-graduate ko sa AMA within 4 yrs on that course and to pass the CPA Board Exam and to apply for work abroad as CPA after passing the Board. Those were my goal to achieve before. Not only that, if I have time, If I have worked for so long, I would take my Master’s Degree in Business Administration (MBA) and I would take Law after that, then proceed to Doctor’s Degree if I could pass the Bar Exam up to Post Doctorate (in my dreams hehehe), kung hindi pa ako magsasawa mag-aral and if i’ll still have time and money. Kasi diba lhat ng mga nktapos ng Doctorate, may Ph. D. sa dulo ng pangalan nila after comma. tapos twag sa kanila Dr. o Dra. Siyempre masarap din ang feeling kung ang tawag sa iyo e EC/ Eng’r, Professor, Attorney o Doctor diba? o d kaya mamimili k n lng kng nu gusto itawag sayo dba? Knareer e noh? Pero di ko muna iisipin iyan, saka na pag dumating na ako dyan pagkagradute ko ng college at pag nakapasa ako sa ECE Board Exam pagkatapos ko noon.

Pero kahit na iba na kurso ko, may plan p dn ako magMBA f ever tpos mag-Law kung kakayanin ko para ipagtanggol ang mga nangangailangan ng hustisya. Dati kasi ayaw ko maging Abogado kasi ayoko magsinungaling. Although lahat naman tayo sinungaling diba. Pero hindi ko naman sinasabi na lahat ng Lawyer liars, pero kasi minsan sa lawyer, kailangan magsinungaling para lang mapanalo ang kaso. Pero depende na lang iyon sa lawyer kung papayag siya. Kung ako, di bale na lang, kaysa naman madagdagan pa ang kasalanan ko. Tsaka minsan pag lawyer ka, diba di mo rin masasabi kung may peace of mind ka kasi di mo masabi kung ligtas ka ba o nanganganib ang buhay mo dhil lawyer ka, lalo na pag mayayaman mga kalaban mo, kaya dati ayoko mag-Law. Alam ko rin na mahirap mag-Law kasi halos di mabilang ang mga makakapal na libro na kailangang basahin. Lalo na napakaraming dapat alamin at kabisaduhain lalo na iyong mga Laws, RA, Articles, sections at lahat ng tungkol sa politika. Kaya nga maganda ring pre-Law course ang PolSci. E hindi ko pa naman hilig ang magkabisa.

Pero siyempre alam ko naman na mahirap abtuin iyon kasi kailangan mo rin ng sipag, tiyaga, faith, tiwala sa sarili at pasensiya para matagumpay mong abutin lahat ng pangarap mong iyon. E kung ngayong college na ako, I admit na mahirap talaga siyempre kaya I’m doing my best and I study harder and i expect na mas mahirap pa ang dadanasin ko for the next few years lalo na kung puro major subjects na mga kinukuha ko at dumating na ang araw na kailangan kong mai-defend ang gagawin kong thesis para maka-graduate ng college. Pero salamat na lang sa Alma Mater ko at may background na kami sa Research ng 4th year High School kami. Although by group iyon, pero still mahirap pa rin talaga lalo na pag nag-tatally, e how much more pa kaya sa totoong thesis na indiviual at mas mahirap pa at ang pagkakaalam ko, hindi sapat ang isang araw para mai-defend mo iyon.

Anyway sa ngayon, stick muna ako sa studies ko, as in as much as possible, wlang girlfriend muna hanggang mkagraduate ako ng college. Ok lng iyong crush kasi natural lang naman iyon eh, pwede mong gawing inspirasyon.

Bat ka nagshift????!!!!!!

Wednesday, February 6th, 2008

Hayy!!!grabe…Mula nang nagshift ako sa BSECE, hindi ko na alam kung ilang beses ko na narinig ang iisang katanungan na kung bakit daw ako nagshift. Nu ba sa tingin niyo?hehehe. Halos lahat yata ng friends ko iyon ang tinanong sa akin. Kaya nga naisip ko na hindi kaya irecord ko na lang iyong isasagot ko pag may nagtanong ulit saken iyon na hindi ako parang sirang plaka diba? Ok lang iyon na iyon ang itatanong sa akin kasi natural lang aman iyon diba. E xempre alangan aman magshift ako ng walang dahilan diba? Hindi ko lang kasi talaga gusto iyong mga reaction ng iba dyan kaya naooffend ako pero tinatawanan ko na lang sila. Iyong iba aman maxadong exagge.

Anyway, BS Accountancy kasi kurso ko dati.Iniisip kasi nila na kng bkit sa eng’g pa ako nagshift, e kesa mahirap n nga nag accounting, tapos sa mas mahirap p daw ako nagshift. Kesa mas pinahirapan ko daw sarili ko, iniisip nila na madali ang accounting kaya nagshift ako sa mahirap. Pero mali silang lahat doon. Hindi ko na nga lang alam kung ano na isasagot ko kpag tntanong nila iyon kasi di ko na alam kung ilang beses ko na isinagot na e sa di na ako masaya sa Accounting eh. Akala kasi nila madali ang accounting eh. ahm..ang masasabi ko lang dyan, akala ko rin dati hindi gaano mahirap ang accounting, kala ko simple math lang. Pero ng nagkaroon na ako ng subject na accounting once, doon grabe nakakaiyak din pala kasi isang mali lang mali na lahat at halos kailangan ulitin mo mula sa umpisa. Gabe diba?Inakala ko rin na puro Math iyon, pero dun ko nakita na mas more on siya sa analysis.Kaya dun ko nakita n hindi kailangan maging maging magaling sa Math para maging magaling sa accounting, but rather, kailangan magaling ka rin dapat mag-analyze kasi arithmetic lang naman ang math dun eh, wala na dun ung may variabls na x, y etc…Kaya para sa akin mahirap din ang kurso na iyon. Sabi nga ang isang magaling kong prof na mas mahirap pa nga daw ang BSA kaysa Eng’g e. Ayon. Actually kasi Eng’g na talaga dapat ang final choice ng kurso na kukunin ko sa college.E sabi ng mama ko, in demand daw ang mga cpa sa states kaya BSA ang pnakuha niya saken ksi gusto niya rin ako mging cpa ksi mhilig daw ako sa Math, which is true.Akala niya ksi more on Math iyon. Kaya nadiscourage ako na kunin kung ano talaga iyong napili ko kasi sabi niya sa akin na kailangan din daw magaling din daw ako magdrawing, na doon ako hindi magaling. Tsaka inakala ko rin noon na magiging masaya din ako sa gusto niya dahil sa mga sinabi niya sa akin kaya pinagbigyan ko siya. Pero at least sinubukan ko diba at sinunod ko pa din siya and at least, wala namang nawala sa akin. Ayon, ng katagalan, within two trimesters in AMA, narealyze ko na di na ako masaya sa kurso ko. Nabobore na ako sa major subject ko na accounting na kulang na lang hindi ko na pasukan ang subject na iyon, lalo na madalas namomroblema sa prof ang mga BA students. Pero siyempre hindi ang problemang iyon ang main reason ko kung bakit nagshift ako.Dati nga, ng wla pa sa isip ko na magshift, madalas kon sinasabi na pano kaya kung magshift ako magshift sa eng’g, pabiro ko pang sinabi iyon sa sarili ko. Pero at least maaga ako nagshift dba? Kaysa namang nagshift ako kung kailan graduating na ako diba? Wala aman sa akin iyon kung mahirap o hindi e, wla namang kurso na madali diba? Basta para sa akin ang importante, dpat kung san ka masaya dun ka para kahit mahirap at least, naeenjoy mo iyon ginagawa mo at cguradong magiging successful ka dhil masaya ka kung ano ang ginagawa mo.

Isa sa maga dahilan kung bakit gusto ko ang kuso na yon is dat una, favorite subject ko talaga ang Mathematics. Mahilig kasi ako magsolve ng problems and I really love Math subjects by my heart.Nabobore kasi ako sa ibang subjects other dan Math and Science pero siyempre depende rin iyon sa magiging prof ko kung di siya boring at magaling talaga siya magturo, magugustuhan ko na rin iyon subject na iyon. Isa sa pinakaayaw kong gawin is gumawa ng compositons, essay, sulatin o kahit anong informal na pagsusulat. Natatamad kasi talaga ako gumawa noon lalo na pag maraming tanong, tapos lalo na kung kailangan mahaba ang susulatin. At hindi ko rin hilig magdrawing kasi alam ko rin sa sarili ko na hindi ako magaling magdrawing. But unfortunately, may subject ako ngayon na eng’g drawing.Haayyy.Grbe sa una aakalain mong madali pero pag ginagawa mo na, kailangan malinis at maayos ang gawa kaya ingat na ingat ako habang nagdadrawing. Sa sobrang hirap ko sa subject na iyon, halos ayaw ko na siya i-add.Kaya nga piling ko babagsak ako dun kasi di ko talaga mapaganda gawa ko lalo na na-tetense ako pag tinitignan ng prof ko yung ginagawa ko. Pero in spite of dat, im being relaxed everytym na may pnpgawa xa samin. Everytym din n me ipapagawa xa samin every miting once a wik lagi ko sinasabi sa sarili ko."Diyos ko ang hirap, sana matapos ko ito ng maayos.Gudluk na lang sakin."Supposed to be dpat twice a week kasi nging  units instead n 1 unit, pero nging once a week ksi mentoring. Kaasar nga kasi nging 2 units e, tpos inspite n nging mentoring, 2 units  p rin ang binayad ko ng ina-add ko iyon. Pero mabait nman iyong prof kong iyon e ksi nging prof k n din siya ng 1st tri sa Math01. He is one of my good professors in AMA. Pinapasok na nga niya ako sa klase niya in spite n hndi k p na-aadd e, pero ms mbuti n iyon ksi kng hndi ako agad pmsok sa knya, mghahabol pa ako. Dats why im doing my best, hindi ako aabsent sa subject na iyon, i’ll pass all d requirements and il make sure dat my work is clean and neat para makapasa. 

All I just wanted to say is that hindi ako nagshift para magyabang na kaya ko iyon kurso na iyon. But rather, nagshift ako dahil ayoko dumating ang araw na hindi pala ako magiging masaya sa ginagawa ko. Mas masakit siyempre iyon diba na hindi mo pala gusto ang pangarap ng mga magulang mo para sa iyo.Kaya mas minabuti ko nalang isuko iyon kaysa naman sila masaktan balang araw. At para sakin, ang tagumpay ng isang tao ay nakasalalay sa kanya at sa kanyang pagmamahal sa kanyang ginagawa. That’s all. Thank you 4 reading dis blog post.