Mga ilan sa libro ni Bob Ong

Among the five books ni Bob Ong, dalawa pa lang doon ang nabasa ko na buo from cover to cover. Ang mga iyon ay "ABNKKBSNPLAKo?!" tsaka ang "Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?". Nang una, akala ko patawa lang siya, pero nang mabasa ko iyon, nalaman ko na may gusto pala iparating si Mr Roberto "Bob" Ong sa kanyang isinulat. Kaya nakakatuwa ang mga libro niya kasi bukod pa sa nakakatawa siya e maganda din ang mensahe na ipinaparating niya sa atin sa kanyang mga nai-akda.

Ang ABNKKBSNPLAKo?! (Mga kwentong chalk ni Bob Ong) ay isang libro na tumatalakay sa lahat ng pasikot-sikot tungkol sa edukasyon, sa eskwelahan at maging sa mga estudyante at guro mula Pre-School hanggang sa Kolehiyo dito sa bansa. Makikita mo doon na ikinukwento niya ang kanyang masasaya, masalimuot, nakakatawa at maging weirdo nyang pakikipagsapalaran bilang estudyante nang siya’y nag-aaral pa. Honestly speaking, nklgay din dun ang lahat ng mga kalokohan ng mga estudyante sa eskwelahan. Kung ano-ano yun, basahin nyu na lang yung libro para maniwala kayo saken. Halo-halo ang tono ng aklat na to. At sa pahina na makikita nyo bago sa unang pahina ng katawan ng aklat, natawa na talaga ako nang makita ko ang kakaibang quotation na nakalagay na di mo lam kung nagpapatawa lang o loko-loko talaga yung awtor na si Mark Twain nang sinabi nya ang linyang ito:

"I will never let my schooling interfere with my education."

Grabe di ko lam kung bat nya sinabi yun. Nawindang talaga ako sa kanya kasi ang gulo nya, schooling n nga, education pa.San ka pa?!

Ang "Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?" naman ay isang libro na kung san dun malalaman ang lahat ng baho at pangit tungkol sa ating mga Pilipino kung babasahin nyo ang kabuuan nito. Dito, tignan nyo pa lang ang libro kahit di nyo p buksan ay talagang matatawa na kayo lalo na pagbukas nyo nito. Kung bakit?Secret, bili n lang kayo o d kaya manghiram kayo ng libro nun para malaman nyo hehehe. Kaya nga nagustuhan ko yung libro n yun kasi napakacreative ng pagkagawa ng libro at may originality din ang pagkagawa nya na wala sa kahit anung libro (Just see it). Ipinaparating naman ni Bob Ong sa libro nyang to na tayong mga Pilipino ay kulang sa disiplina sa sarili kaya di tayo umuunlad. Naniniwala ako dun sa sinabi nyang yun kasi totoo nga at bakit ako magagalit. Sbhin nting di maganda ang tingin sa ating mga Pilipino, e kung iba nga napupuna natin, yun pa kaya ang ating sarili. Nkuha nyo ba? Kaya nga lahat ng tungkol sa ating mga Pilipino ay nakasulat dito.

Kung tinatamad kayo magbasa ng libro, edi itype nyo nalang sa computer nyo kung may internet ah, ang site na to,: www.bobongpinoy.com. Iyan ang site ni Bob Ong, ang webmaster nyan. Dun din nanggaling ang mga laman ng mga libro nya e. Tagalog naman yun e kaya madali natin syang maitindihan. Kaya lang naman isinalibro iyon kasi para sumikat ang mga nilalaman ng site na yun at makilala ng marmaing Pilipino. Kasi nga naman diba, iilan lang mga Pinoy ang updated sa mga ibang sites lalo na pag di gaano kilala.

Ang ibang books nya ay ito:

  • Mga Paboritong Libro ni Hudas
  • Ang Alamat ng Gubat
  • Stainless Longganisa
  • MacArthur

Di nga lang ako sigurado kung yan lang ah. Pero yan ang mga ibang buks nya na alam ko, at gusto ko ring basahin yang mga yan.

That’s all. Thanks 4 reading this considerably and you drop some comments for me. Thanks again!!!!!!

:-)

Leave a Reply