What if kung itinuloy ko ang BS Accountancy ko?
I admit that may mga naging plano na rin ako in my future nang time na hindi ko pa napag-isipang magshift. BSA kasi ang unang kursong kinuha ko. Kaya iyon ang kinuha ko kasi sabi ng mama ko in-demand daw ang mga CPA sa States. E diba matataas ang mga tingin sa CPA? So siyempre sayang naman kung di ko iaaim iyong opportunity na maging accountant, particularly CPA (Certified Public Accountant) diba? Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit sinunod ko ang gusto ng mama ko. E sa pag-aakala ko na magiging masaya din ako sa kursong to kaya eto kinuha ko on the first place. Ang pagkakaalam ko rin, Accounting is the best background for Law. Tapos sabi saken ng isa kong batchmate na CPA ang mama niya, pag graduate daw ng BS Accountancy tapos nag-Masteral pa, 2 yrs na lang daw kukunin ang Law. Kaya na-predict ko na rin na BSA is the best Pre-Law undergaduate course.
Sbi nga saken ng classmate ko ng BSA pa kurso ko na mukhang may balak daw akong mag-Lawmaker dhil iyon daw ang kurso ko. Kunsabagay may mga Law at Law-related subjects kasi sa curriculum ng BSA e. Mas maganda daw sa CPA na Lawyer din at vice-versa. Pagkarinig ko din, pag-aagawan ka daw ng kumpanya pag nalamang BSA graduate k at Board passer. Kung sa bagay, sobrang hirap kasi makapasa doon e, lalo na quota-based pa. Marami rin akong kilalang matatalino tapos graduate sila sa PUP, PSBA ng BSA, tapos hindi pa rin sila nakapasa sa Board tpos iyong isa nakailang take na, tapos iyong isa naman UPCAT passer pa, e sobrang hirap din makapasa doon. Kaya nga hindi porket na di pumasa doon e hindi na matalino, talagang sobrang hirap daw ng Board Exam. Sabi, iyon daw ang pinakamahirap na Board Exam sa lahat. Minsan nga wla pa daw sa 20% ang nakakapasa doon. Sabi naman sakin ng isang naging prof ko sa Accounting1A sa lab na 16th placer sa CPA Board Exam, wla pa daw sa 10% ang mga nakapasa ng time nila.
May narinig din ako na mag-BA PolSci daw muna bgo mag-Law pagkatapos magBSA. Sbi naman ng isa ko pang frend, lhat ng mga Bachelor of Arts degrees ay mga Pre-Law undergraduate degree courses. Pero sabi naman sakin ng isa kong Prof sa AMA na taga-UP, sa UP College of Law, it doesn’t matter kung B, BS o BA ang tinapos mong undergraduate course, bsta as long na degree holder ka, pwede kang mag-Law. Kuwento pa niya, may kakilala siya mga Eng’g undergraduate, kumukuha na ng Law sa UP tapos iyong isa naman, BS Molecular Biology and Biotechnology naman daw ang tinapos sa UPD, tapos na rin daw ng Law doon. Dagdag pa niya, hindi rin madaling ma-admit sa UP Law kasi kailangan makapasa muna sa LAE (Law Exam) tapos noon makapasa rin sa Interview bago maging UP Law Student.
Iyon sana ang mga plano ko kung naging masaya lang sana ako sa unang kinuha kong kurso, na pagka-graduate ko sa AMA within 4 yrs on that course and to pass the CPA Board Exam and to apply for work abroad as CPA after passing the Board. Those were my goal to achieve before. Not only that, if I have time, If I have worked for so long, I would take my Master’s Degree in Business Administration (MBA) and I would take Law after that, then proceed to Doctor’s Degree if I could pass the Bar Exam up to Post Doctorate (in my dreams hehehe), kung hindi pa ako magsasawa mag-aral and if i’ll still have time and money. Kasi diba lhat ng mga nktapos ng Doctorate, may Ph. D. sa dulo ng pangalan nila after comma. tapos twag sa kanila Dr. o Dra. Siyempre masarap din ang feeling kung ang tawag sa iyo e EC/ Eng’r, Professor, Attorney o Doctor diba? o d kaya mamimili k n lng kng nu gusto itawag sayo dba? Knareer e noh? Pero di ko muna iisipin iyan, saka na pag dumating na ako dyan pagkagradute ko ng college at pag nakapasa ako sa ECE Board Exam pagkatapos ko noon.
Pero kahit na iba na kurso ko, may plan p dn ako magMBA f ever tpos mag-Law kung kakayanin ko para ipagtanggol ang mga nangangailangan ng hustisya. Dati kasi ayaw ko maging Abogado kasi ayoko magsinungaling. Although lahat naman tayo sinungaling diba. Pero hindi ko naman sinasabi na lahat ng Lawyer liars, pero kasi minsan sa lawyer, kailangan magsinungaling para lang mapanalo ang kaso. Pero depende na lang iyon sa lawyer kung papayag siya. Kung ako, di bale na lang, kaysa naman madagdagan pa ang kasalanan ko. Tsaka minsan pag lawyer ka, diba di mo rin masasabi kung may peace of mind ka kasi di mo masabi kung ligtas ka ba o nanganganib ang buhay mo dhil lawyer ka, lalo na pag mayayaman mga kalaban mo, kaya dati ayoko mag-Law. Alam ko rin na mahirap mag-Law kasi halos di mabilang ang mga makakapal na libro na kailangang basahin. Lalo na napakaraming dapat alamin at kabisaduhain lalo na iyong mga Laws, RA, Articles, sections at lahat ng tungkol sa politika. Kaya nga maganda ring pre-Law course ang PolSci. E hindi ko pa naman hilig ang magkabisa.
Pero siyempre alam ko naman na mahirap abtuin iyon kasi kailangan mo rin ng sipag, tiyaga, faith, tiwala sa sarili at pasensiya para matagumpay mong abutin lahat ng pangarap mong iyon. E kung ngayong college na ako, I admit na mahirap talaga siyempre kaya I’m doing my best and I study harder and i expect na mas mahirap pa ang dadanasin ko for the next few years lalo na kung puro major subjects na mga kinukuha ko at dumating na ang araw na kailangan kong mai-defend ang gagawin kong thesis para maka-graduate ng college. Pero salamat na lang sa Alma Mater ko at may background na kami sa Research ng 4th year High School kami. Although by group iyon, pero still mahirap pa rin talaga lalo na pag nag-tatally, e how much more pa kaya sa totoong thesis na indiviual at mas mahirap pa at ang pagkakaalam ko, hindi sapat ang isang araw para mai-defend mo iyon.
Anyway sa ngayon, stick muna ako sa studies ko, as in as much as possible, wlang girlfriend muna hanggang mkagraduate ako ng college. Ok lng iyong crush kasi natural lang naman iyon eh, pwede mong gawing inspirasyon.