Archive for March, 2008

Psycho Killer!!!! Totoo nga ba ito o haka-haka lang?!

Saturday, March 8th, 2008

Marami ang natatakot at nababahala sa balitang mga killer  na nagkalat sa lalawigan ng Rizal. Sari-saring reaksyon at balita ang maririnig at mababasa sa internet ng ilang mga bloggers.

Ito ang kuwento ng isang blogger tungkol dito:

"Di ko napanood  ngunit may nagsasabing ipinakita na raw ang balita sa SOCO.

Noong Biyernes, tampulan ito ng kuwento ng ilang guro. May nagsabi na namataan daw ang killer sa may Primrose subdivision. Ang ilan tuloy ay kinakabahan at natatakot. Nakapaskil na raw sa lahat ng subdivision ang itsura ng killer at may pabuya na 5,000,000 piso.

Hindi lamang sa mga lalawigan ng Rizal tulad ng Angono, Tanay, Antipolo, Cainta kundi nakita na rin daw sa bgy Dela Paz.

Kahapon naman ay ito ang dalang balita ng aking nanay na galing sa Taktak Road. Galing siya roon dahil may pinatatayong bahay na malapit sa bishop’s residence at SAIDI. Sabi ng mga kapitbahay ay umatake daw ang killer ngunit naisara agad  ang pinto at dahil sa ingay at kalabugan ay dali-dali itong tumalilis. Sumabat sa usapan ang aking kapatid at nagkuwento na rin.

May nagtanong sa akin, "di ba taga- Masinag ka?", sumagot naman ako, "oo, bakit?" Nagsalita uli ang aking kausap," e, nasa me Cogeo na ang killer. Me balita na nakitang pagala-gala doon!"

Katunayan ay nag-search ako sa google tungkol sa balitang ito. Halos ang mga kuwento ay galing lamang sa mga forum at bloggers. May isa naman na balita na nagsasabi na kilala na ng mga pulis ang killer/s at di lamang sinasabi upang mahuli sa akto ang mga kriminal."

- sipi mula kay "PlumaTek" (isang blogger sa multiply)

Una ko naman ito nalaman nang may nagtext sa aking kaklase sa Psyc01 ng isang GM na tungkol sa nasabing killer. Dati daw siyang sundalo, black belter at kamukha ni Julius Babao. Iyon ang ilan sa mga natandaan ko sa nabasa ko na mensahe. Noong isang gabi mga ilang linggo na rin ang nakalilipas, dalawa sa mga katext ko ang nagkuwento na marami na daw napatay sa kanilang lugar. Isa sa mga katext kong iyon na may nagsabi sa kanya sa ikinuwento daw na nandoon daw mismo sa lugar nila ang killer.

Sabi naman ng isa kong kaibigan, nakasabay raw ng ate niya ang killer na iyon habang nakasakay sa isang jeepney pauwi raw sa kanila galing ng OJT. E gabing-gabi pa naman daw iyon nang oras na iyon at puro babae pa sila at iyon lang daw ang nag-iisang lalaki bukod pa sa tsuper ng jeep. Kaya ginawa raw ng ate niya nang napansin daw na nakilala siya ay bumaba raw siya sa 7-11. E nagkataon daw na wala daw siya load,e hindi raw siya maka-text sa ibang phone kasi iyong guard daw doon e wala rin daw load. Kaya ginawa niya doon na lang daw siya nag-stay hanggang umaga para siguradong ligtas siyang makauuwi sa kanila at doon na lang niya ikinuwento ang nangyari. Iyon din ang araw na ikinuwento ng kaibigan ko tungkol sa nagnyari sa ate niya. Talagang nakakapangilabot no? Pero ang isipin na natin ay ligtas siya sa awa ng Diyos.

Ang nabalitaan daw sa SOCO na tumutukoy sa itinuturing na isa sa mga "serial" o "psycho killers" ay totoo. Doon daw nagsimula. Hanggang sa dinagdagan na lang ng mga haka-hakang kuwento. E kesa naghiganti raw kaya daw nangyari iyon.

Kaya nga nang una, ayaw ko talaga maniwala kasi kung baga sa mga linya ng tao, gasgas na iyang mga tsismis na iyan kasi e ni wala nga binabalita sa TV, radyo, dyaryo o kahit sa Internet news na may ganoon ngang krimeng nangyayari na tungkol sa mga pinatay ng psycho killer na iyon e.

Sabi nga sa akin, marami daw iyang mga psycho killer na iyan. Pito daw sila ayon sa isang blog na nabasa ko. Pero dagdag pa nang isa ko pang kaibigan, isa na lang daw ang hindi nahuhuhli. At iyon na nga ang psycho killer na tinutukoy ko sa blog na ito na nagngangalang Dennis Garcia. Sabi naman sa balita, gawa-gawa lang daw ang kumakalat na balitang ito. Pero, ang nasabing killer ay suspek nga talaga sa pagpatay sa isang babae noong Disyembre ng nakaraang taon.

Nagulat nga ako nang una kong nakita ang pinost na mukha niya sa may pasukan ng aming village nang papasok na ako sa aking paaralan. Hindi ko nga napansin na maging sa aking paaralang pinapasukan ko ay may pinost din na galing naman sa dati kong kaklase nang nakaraang trimestre, na binigay kay "chief" kung tawagin namin for public info. Dalawa ang mukha niya roon: isa ang dating mukha ata ang ngayon niyang anyo na nagpakalbo na raw.

Ang totoo raw niyan, political strategy daw iyon para hindi raw lumabas ang mga rallyista.

Kaya huwag kayo basta-bastang maniniwala sa mga sabi-sabi lang na balita, na naririnig lang hangga’t hindi nababalita at napapatunayan ang mga ito.

Ang sa akin lang naman, kahit na hindi totoo ang nagkakalat na mga maling nasabing balita o mga kuwento, huwag na huwag kalilimutang magdasal lalo na kapag uuwi ng gabi o na-late ng pag-uwi.Dapat mag-ingat tayo lagi at huwag magpapagabi ng uwi lalo na kung hindi kailangang magpagabi. Matutong sumunod sa curfew ng ating mga magulang dahil para sa atin ang mga sinasabi nila sa atin. Iyon lang ang maipapayo ko. Ingat!!!!!