“Miseries come in three’s”
Sa buhay natin, hindi nawawala ang kamalasan. Naniniwala ako na ang kamalasan ay sunod-sunod na dumarating sa buhay naitn, pero hindi sa lahat ng pagkakataon pero madalas ito nangyayari. Pero sabi nila, wala raw malas sa mundo kasi wala sa bokabularyo ng buhay natin ang salitang "malas". Maaaring marami tayong mga kabiguan sa buhay natin, ngunit iyon ay dahil sa iyon ay mga pagsubok lamang sa atin ng Diyos, at hindi malas ang tawag doon. Sa halip, iyon ang tinatawag nating "kabiguan" sa buhay na minsan ay dapat din nating tanggapin. Oo, minsan marami tayong gustong makuha na mga bagay-bagay na labis natin minimithi na hindi natin nakukuha. Kaya madalas natin sinasabi "Minamalas nga naman oh!" o di kaya "Hirap talaga kapag minamalas ka nga naman eh noh!". Inaamin ko na lagi ko rin sinasabi iyon. Iyon ay mga pagsubok lamang sa sa buhay natin at dapat magpasalamat tayo at dahil sa mga pagsubok na iyon, pinatatatag ng Diyos ang ating loob upang maging handa sa anumang tinik na ating tatahakin habang tayo’y nabubuhay pa. Inaamin ko rin na hindi naging madali sa akin na tanggapin na hindi ipinagkaloob sa akin ang kahilingang labis kong minithi. Kaya na-realize ko na mahirap pala talaga kapag labis mong hinangad ang isang bagay, at lalo na sa tingin mo’y deserving ka naman sa makuha iyon. Ganoon pala talaga si God. Kaya may natutuhan ako sa experience kong iyon na kung para sa iyo talaga ang bagay na iyon, hindi mo na siya kailangang hilingin dahil alam ni God kung ano ang pinakamaganda para sa atin at alam niya kung saan tayo mas mapapabuti. Kaya dahil doon, marami rin akong mga bagay na hindi ko lubos na maisip na mangyayari sa akin pero binigay sa akin ng Diyos na lubos-lubos kong pinasasalamatan. Hindi man ako nakapasa sa UPCAT, naging #1 naman ako sa President’s List ng AMACCER sa unang trimestre na pagpasok ko doon. Hindi sa pagmamayabang pero, I’m just remembering kung ano ba ang mga blessing sa akin na hindi ko dapat malimutan. We have to count our own blessings. We have to thank Him for every day he is giving to us. Na-realize ko rin kung saan ako nagkamali. Lubos ko kasi hiniling na makapasa sa UPCAT at gusto ko talaga makapag-UP dahil maganda nga raw doon mag-aral. Napakaraming kamalasan ang nangyari sa akin nang High School pa lang ako lalo na pagdating ko sa ikaapat na taon ko sa sekondarya. Kinainggitan ako, siniraan ako, sinabotahe ako. Lahat yata ng klase ng kamalasan dinanas ko na halos mawalan na ako ng pag-asa…
July 23rd, 2008 at 5:21 am
kuya jhob wag kang mag icip na malas ka!! swerte mu nga eh!! hayaan mu lang
cla!! mga ingit lang yan!!